Search This Blog

Thursday

Willing spirit yet Weak flesh.

Dr. Welthy E. Villanueva, M.D.
Sa kabila ng kanyang stage 4 breast cancer, hindi nagpapigil si Dr. Winky na ipagpatuloy ang kanyang misyon sa mga kabundukan bilang isang manggagamot at sa kalaunan ay naging tagapagdala na din ng edukasyon para sa mga batang katutubo na salat sa karunungan. Sa kanyang pakikitungo sa mga katutubo, isinuong niya ang kanyang sarili sa panganib maging sa mga nagaantabay na dagdag na karamdaman gaya ng pneumonia at malaria. Subalit ang mga ito ay di naging balakid sa kanya. Hindi rin nito nagawang igupo ang kanyang katawan na ipagpapatuloy ang nasimulan.

Kasama ng ilang mga kakilala, umaakyat sila ng bundok at tumatawid ng 16-30 ilog marating lamang ang mga lilib na tribo ng Batak. Sa una’y ang hangad lamang niya na maipaaabot ang medikal na serbisyo subalit nahabag ang kanyang puso sa lantarang panloloko sa mga katutubo ng mga taga-patag kung saan ang kanilang lupain ay naipagbibili sa mga ito kapalit ng isang radyo lamang. Dito umusbong ang kanyang pagnanais na magdala ng mga boluntaryong guro upang maturuan ang mga bata ng basic education. Sa una’y inakala nilang magiging maayos ang daloy ng klase sa mga bata subalit napuna nilang nahihirapang unawain ng mga ito ang leksiyon dala ng gutom. Kaya naman sinabayan din niya ito ng feeding program katulong ang mga boluntaryong guro bago magsimula ang klase.

Sa di kalaunan, nabuo niya ang Heavens’ Eyes Tribal Missions na ang layunin ay makapagbigay ng edukasyon at maipamulat ang maayos na pamumuhay at kalusugan para sa komunidad ng mga katutubo sa Batak. Nakikipag-ugnayan siya sa mga tribal communities, GOs at NGOs para maisakatuparan ang mga adhikain nito. Ang ilan sa mga pondo ayon kay Dr. Winky ay kadalasan bigay lamang mula sa mga kaibigan at kakilala. Mula sa programang ito, may ilan na din nakapagtapos ng sekondarya mula sa School of Tomorrow Accelerated Christian Education Curriculum nito. Sa taong ito ay malapit na din mairehistro sa SEC ang Heavens’ Eyes Tribal Missions at si Dr. Winky ang tumatayong Administrator at Direktor.

Sumusuka at nanghihina ng labis si Dr. Winky mismo sa kuta ng mga katutubo subalit ni hindi ito naringgan ng ano man reklamo at bagkus ay patuloy pa din na nagserserbisyo.
 Her humility melts my heart. Despite the pain and her weaknesses, she still serves. As for me, whenever I feel tired or something, I lose my servant heart. She is indeed a great reminder to everyone; our weaknesses should always be the source of our strength.

Being nominated is already a big deal. Yet, for those who are blessed with her life, please ENCOURAGE her:
http://bayaningpilipino.abs-cbnnews.com/peopleschoice

No comments: