Search This Blog

Saturday

Kung ikaw kaya ang i-standardize ko, 'di ka kaya mahilo? [Juvenile delinquency].

Naiinis na ako dahil marami na akong subjects na sobrang demanding. Parami ng parami na sila.

Halimbawa na lamang ay ang PHYS 3 - Lab.

Kahapon (Biyernes), sinabihan niya kami na kami'y mag-lolong exam na, at gusto pa niya na sa Tuesday (akala niya na may PHYS 3 - Lab siya tuwing Tuesday) na ang exam. Alam ko namang dapat ay nakapag-aral na kami or dapat handa kami anytime sa mga pagsubok sa buhay (ganun?), pero sana naman, gawing organized ang mga plano sa buhay. Hindi ko nga alam kung may natutunan ba ako: pinapabayaan niya lang kami pag kami'y gumagawa ng exercises. Ano ba ang gusto mo? Maging 5-unit subject ang PHY3 at maging Physics major kami?

Mol. Bio lab. Sorry, pero 'di ko lang talaga maintindihan kung bakit 'di pwedeng gumamit ng analytical balance , at gusto pa na sa DFSC kami gumamit. MCB 180 - Intro to Food Microbiology, ang klase namin nun at kinailangan namin ng analytical balance. Sabi pa mismo ng teacher namin na ang analytical balance niyo ang gamitin namin, considering na ang MCB 180 ay under sa BSES Department (kung saan ang lab niyo ay kabilang din). Wala ba kaming karapatan sa gamit namin?


Chancy.
Kung makakapunta ako sa monologue mo, ito ang mga itatanong ko sayo:
  • Bakit kelangan ang "dissolution" ng subjects? Ultimo freshies, irregular na dahil sayo.
  • Balak mo din bang i-dissolve ang course na anthro? Langya.
  • Ba't ba kelangang i-cancel ang lahat ng events na kabilang ang freshies? Natatakot ka ba sa mga magulang nila? E kung isumbong kaya kita sa mga magulang ko dahil sa cancellation ng freshmen night, matatakot ka rin ba
  • Natry mo na bang maglakad papuntang CSM?
Photo courtesy of: lovekoupmin.blogspot.com



Hay naku. Makukulong na ako nito.



No comments: